ESPERANZA COVID FREE PA RIN | REPATRIATION SA MGA STRANDED POSSIBLING UMPISAHAN

Image may contain: text that says 'MAGUINDANAO COTABATO ESPERANZA SULTAN KUDARAT SOUTH COTABATO SARANGAN!'

LUMABAS na ngayong araw ang resulta ng isinagwang swab test sa isang suspected covid-19 patient na residente ng Barangay Poblacion Esperanza Sultan Kudarat.


Sa phone patch interview kay Renato Sambrano, ang Municipal Inter-Agency Task Force COVID-19 focal person ng Esperanza, kinumperma nito na negatibo ang naging resulta na isinagawa sa nasabing suspected patient.

Kayat ang panawagan ngayon ng lokal na pamahalaan sa mga residente ng bayan na sundin ang guidelines at protocol lalo na ang physical distancing pag nasa mataong lugar upang maiwasan ang pagkakahawaan.

Samantala, ayon pa kay Sambrano na sa ngayon ay naka takda na nilang isagawa ang repatriation sa mga stranded na residente ng Esperanza mula sa Davao city at maging ang mga OFW na nasa Metro Manila.

May mga kinakailangan lang silang tapusin na dukumento para papayagang masundo at ng maka uwi na ang mga ito sa kanilang bayan.

Ngunit ang mga uuwing stranded ayon kay Sambrano ay isasailalim sa medical check-up at 14 days quarantine para masiguro ang kalusogan at kaligtasan ng kanilang pamilya maging ng bayan.

Sa ngayon ay may naka handa ng mga isolation facilities ang LGU para sa mga uuwing stranded na marepatriate sa mga susunod na araw o lingo matapos na payagan na ang mga ito na umuwi.

SOURCE: MAX FM TACURONG CITY

Comments

Popular posts from this blog

PNP Checkpoints will remain in all areas Under Community Quarantine, whether ECQ, MECQ, GCQ or MGCQ

Senior High Graduates who has at least 85% Average Grade can now apply for PMA Scholarship

Grip of Faith by Kim Jacent EspaƱola