Narito ang EXECUTIVE ORDER No. 36 (EO No. 36) ng Sultan Kudarat Province na nagsasailalim sa buong probinsiya sa MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE mula June 1 - June 15, 2020

Image may contain: text

Narito ang EXECUTIVE ORDER No. 36 (EO No. 36) ng Sultan Kudarat Province na nagsasailalim sa buong probinsiya sa MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE mula June 1 - June 15, 2020.

Sa ilalim ng EO na ito, niluluwagan na ang mga patakaran na dapat sundin ng mga residente ng Tacurong City at buong probinsiya subalit pinag-uutos pa rin ang pagsunod sa mga health protocols tulad ng pagsuot ng face masks at social distancing.

Limitado pa rin ang mga tao na maaaring makapasok sa mga establisyemento samantalang mayroon pa ring mga recreational facilities na hindi pa maaaring magbukas.

Narito pa ang ilan sa mga nilalaman ng EO No. 36:

Bawal pa ring lumabas ang may edad 21 pababa (21 yrs old and below) at edad 60 pataas (60 yrs old and above)
Wala nang ODD-EVEN SCHEME subalit nililimitahan pa rin ang bilang ng mga pasahero
Wala nang No Movement Sunday
 Pwede nang mag-dine in sa mga restaurant at ibang mga kainan subalit sa limitadong kapasidad lamang
Pinapayagan na ang lahat ng uri ng Mass Gathering (maliban sa ilang exemptions na nakasaad sa EO 36) subalit limitado sa 50% na kapasidad lamang.

Lahat ng dadalo sa mga mass gatherings tulad ng misa o church service ay dapat ilista ang pangalan, araw ng pagdalo, address, at contact details upang mapadali ang contact tracing sa hinaharap.

 Hindi na kailangan ang City Quarantine Pass, Municipal Quarantine Pass, at Barangay Quarantine Pass.
Ang curfew hours ay 9PM hanggang 4AM pa rin.
Maaaring magbukas ang mga establishment hanggang 8PM.
Para sa mga papasok ng Tacurong City mula sa mga lugar na may confirmed cases ng COVID-19, basahin lamang ang mga requirements sa EO na ito.
Mayroon pa ring LIQUOR BAN o ang pagbabawal sa lahat ng uri ng alak.

Para sa kumpletong detalye, basahin lamang ang EO No. 36.


Image may contain: text

Image may contain: text

Image may contain: text

Image may contain: text

Image may contain: text

Image may contain: text

Image may contain: text

Image may contain: text

ESPERANZA NEWS TODAY


Comments

Popular posts from this blog

PNP Checkpoints will remain in all areas Under Community Quarantine, whether ECQ, MECQ, GCQ or MGCQ

Senior High Graduates who has at least 85% Average Grade can now apply for PMA Scholarship

Grip of Faith by Kim Jacent EspaƱola